Ni Fer Taboy

Nailigtas ng pulisya ang siyam na Japanese na menor-de-edad sa kamay ng umano’y human traffickers sa isang raid sa Island Garden City of Samal sa Davao City.

Ang mga Haponesa ay natagpuan ng Inter-Agency Council Against Trafficking-Region 11 na binubuo ng Philippine National Police (PNP), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Bureau of Immigration (BI), City of Social Welfare and Development at Department of Justice (DoJ), na nakakulong sa isang bahay sa Purok 5, Camotes, Barangay Toril, Babak District, Davao City.

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay ng nawawalang mga Haponesa na sinasabing hawak ng mga suspek na sina Hajime Kawauchi, 61, isang Hapon; Yuya Kawauchi, isang martial arts trainer na isa ring Hapon; at Lorena Arbiz Mapagdalita, ng naturang lugar.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Pansamantala munang nasa custody ng DSWD-Home for Girls and Women sa Maa, Davao City, ang mga biktima.

Ang tatlong umano’y human trafficker ay nahaharap sa 5 counts ng kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 at 5 counts din ng kasong paglabag sa Republic Act 7610.