TUMATAGINTING na P45, 451,487.00 jackpot sa SUPERLOTTO 6/49 ang nakuha ng isang mananaya sa Robinson’s Galleria nitong Linggo (Mayo 6).

Nadale ang tamang kombinasyon na 14,07,16,10,30,40.

“Isa na namang Pilipino ang mababago ang buhay dahil sa PCSO,” pahayag ni General Manager Alexander F. Balutan.

Ang SUPERLOTTO 6/49 ay nilalaro tuwing Martes, Huwebes, at Linggo, at mapapanood ng live sa PTV 4 alas-9 ng gabi.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20