Ni Remy Umerez

MAY isang netizen na pumunang malambot kumilos si Bimby sa ipinost ni Kris sa Instagram na pakikipag-usap ng anak kina Erich Gonzales at Julia Barretto sa dressing room ng dalawa.

Bimbi at Kris_ pls crop

Marami ang pumuri kay Kris sa kanyang naging tugon sa mapanghusgang netizen.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Aniya, bahala itong maging judgmental basta mabait, matalino, mapagmahal at marespeto si Bimby, panalo na siya sa pagpapalaki. Lalong kuntento na siya bilang ina kung lumaki itong mabuting tao.

Umani naman ng pagbatikos ang nanghusgang netizen mula sa mga taong nagmamalasakit at todo ang suporta kay Kris. Tigilan na raw ang pagbanat kay Bimby dahil wala naman itong ginagawang masama kaninuman.