Ni Bella Gamotea

Magandang balita para sa mga motorista.

Inaasahang magpapatupad ng oil price rollback ang mga kumpa­nya ng langis ngayong linggo.

Posibleng bumaba ng 50 hang­gang 60 sentimos ang presyo ng kada litro ng kerosene, habang 30- 40 naman sa diesel at gasolina.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang napipintong bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaig­digang pamilihan.

Sa apat na sunod na oil price hike kada linggo, partikular na nitong Abril 3, 17, 24, at Mayo 1, umabot sa kabuuang P3.15 ang itinaas sa presyo ng kerosene;P2.90 sa diesel; at P2.50 naman sa gaso­lina.

Nitong Marso 13, huling nag­patupad ng oil price rollback na P1.20 sa kada litro ng kerosene; 55 sentimos sa diesel; at 35 sentimos sa gasolina.