Cavaliers at Boston, umabante sa 3-0 sa EC s’finals

CLEVELAND (AP) – Sa isa pang pagkakataon, naisalba ni LeBron James ang Cavaliers sa kritikal na sitwasyon.

NATIGAGAL ang kampo ng Toronto Raptors sa game-winning shot ni LeBron James. (AP)

NATIGAGAL ang kampo ng Toronto Raptors sa game-winning shot ni LeBron James. (AP)

Naisalpak ng four-time MVP ang ‘flaoting jumper’ sa buzzer para maitakas ng Cavaliers ang 105-103 panalo kontra Toronto Raptors sa Game Three ng Eastern Conference semifinals nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Tangan ng Cavaliers ang 15 puntos na bentahe sa halftime, ngunit matikas na bumalikwas ang Raptors at nagawang maitabla ang iskor sa 103 mula sa three-pointer ni OG Anunoby mula sa fast break play ni CJ Miles may walong segundo ang nalalabi.

Kapwa wala nang time-out ang magkabilang panig kung kaya’t diretso na ang play ng Cavs at si James ang kumuha ng bola sa inbound na kaagad namang sumalaksak at sa kabila ng matinding depensa ay nagawang makahirit ng game winner para sa 3-0 bentahe.

Nagtumpok si James ng kabuuang 38 puntos.

“I live for those moments,” pahayag ni James. “Be able to go out and come through for my team. My guys, they trust me. I was able to go out and do it.”

Nag-ambag si Kevin Love ng 21 puntos at 16 rebounds, habang kumana si Kyle Korver ng 18 puntos.

CELTICS 101, SIXERS 98 OT

Sa Philadelphia, naisalpak ni Al Horford ang go-ahead basket para sandigan ang Boston Celtics sa overtime win sa Game Three laban sa Sixers.

Tangan ng Boston ang 3-0 bentahe sa kanilang Eastern Conference semifinals at target na walisin ang Philadelphia sa Game Four sa Lunes (Martes sa Manila).

Naisalpak ni Horford ang layup may 5.5 segundo ang nalalabi sa extra period para sa 99- 98 bentahe. Nagtamo si rookie Ben Simmons ng turnover para bigyan daan si Horford na selyuhan ang panalo sa dalawang free throw