Ni Bella Gamotea

Makaraang ideklara ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 14 bilang special non-working day, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 479, ipinababatid ng Department of Foreign Affairs-Office of Consular Affairs (DFA-OCA) sa publiko na sarado ang lahat ng satellite at consular offices ng kagawaran nasabing petsa.

Ang mga aplikante na kumpirmado ang passport appointments sa Mayo 14 ay aasikasuhin lamang sa original site ng DFA sa Mayo 15-25, maliban sa Sabado.

Pinapayuhan ng DFA ang mga walk-in applicant (senior citizens, may kapansanan, buntis, solo parents, pitong taong gulang pababa, at overseas Filipino workers) sa nasabing panahon na ang mga mall-based na consular office ay maaaring magtakda ng limitadong bilang ng aplikante na tatanggapin base sa espasyo ng tanggapan.

National

Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang

Gayundin, asahan ng mga aplikante na mas marami ang dagsa ng mga aplikante dahil sa isang araw na suspensiyon ng trabaho.

Pinagdadala ang mga aplikante ng printout ng kumpirmadong passport appointments na orihinal na nakatakda sa Mayo 14, kasama ang iba pang mga dokumento para sa aplikasyon sa pasaporte.