Ni Bella Gamotea

Nagtakda ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga alternatibong ruta dahil sa pagsasara ng bahagi ng Roxas Boulevard para sa Worldwide Walk to Fight Poverty ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Linggo, Mayo 6.

Sinabi ni Frisco San Juan, MMDA deputy chairman, na saklaw ng road closure ang southbound at northbound ng Roxas Boulevard, mula sa Buendia hanggang sa P. Burgos, simula 12:00 ng hatinggabi bukas, Sabado, Mayo 5.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista mula sa Road 10/Anda Circle na kumaliwa sa Andres Soriano Jr., kanan sa General Luna, diretso sa Maria Orosa, kanan sa T.M. Kalaw, at kaliwa sa M.H. Del Pilar Street.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Mula sa A. Bonifacio Drive, kumaliwa sa P. Burgos, kanan sa Maria Orosa, kanan sa T.M. Kalaw, at kaliwa sa M.H. Del Pilar.

Sa mga motorista na nasa A. Bonifacio, kumaliwa sa P. Burgos at kanan sa Taft Avenue, habang ang mga nasa P. Burgos naman ay pinakakanan sa Finance Road, kaliwa sa Ayala Boulevard, kanan sa San Marcelino, kaliwa sa U.N. Avenue, kanan sa President Quirino, at kaliwa sa South Super Highway.

Ang mga manggagaling sa P. Burgos ay maaaring kumanan sa Finance Road, kanan sa Taft Avenue, kaliwa sa President Quirino, at kanan sa South Super Highway.

Ayon kay San Juan, mahigit sa 500,000 ang inaasahang dadagsa sa Cultural Center of Philippines (CCP) at maglalakad patungong Quirino Grandstand, para sa charity walk ng INC.