Ni Ador Saluta

AFTER a year of filming, mapapanood na sa wakas ang Goyo: Ang Batang Heneral sa mga sinehan nationwide simula September 5, 2018.

Paulo bilang Hen. Gregorio del Pilar copy

Ang pelikula tungkol sa isa sa ating mga pambansang bayani ay follow-up project ng TBA Studios, Artikulo Uno Productions, at Globe Studios sa kanilang box office hit na Heneral Luna. Pagkatapos i-announce ang playdate, nag-release na rin ang production outfit ng bagong teaser video at poster last May 2.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang Goyo: Ang Batang Heneral ay pinagbibidahan ni Paulo Avelino. Si Heneral Gregorio del Pilar, ang tinaguriang Hero of Tirad Pass ay isa sa youngest generals noong Philippine-American War.

Sa bagong teaser, nasilip ng moviegoers si Goyo sa pamamagitan ng mata ng iba’t ibang characters na napanood din sa Heneral Luna, sina Apolinario Mabini ant Presidente Emilio Aguinaldo, played by Epy Quizon and Mon Confiado respectively.

May karagdagang bagong characters na ipinakilala ni Remedios Nable Jose played by Gwen Zamora, isa sa naging sweethearts ni Heneral Del Pilar.

Kasama rin sa pelikula sina Arron Villaflor, Carlo Aquino, Alvin Anson, at Empress Schuck.

Mula uli ito sa direksiyon ni Jerrold Tarog.