Ni NORA CALDERON

PAREHONG maraming fans at followers sa social media sina Bianca Umali at Kyline Alcantara, ang mga bida sa top-rating na Kambal Karibal. Pero mukhang hindi lang sa istorya ng primetime series sila gustong makitang nag-aaway kundi maging sa personal.

BIANCA AT KYLINE copy

Sa istorya kasi ng Kambal Karibal, si Bianca ang gumaganap na Crisan, ang tunay na anak nina Geraldine (Carmina Villarroel) at Darren (Alfred Vargas). Pero hindi sila lumaki sa pangangalaga ng mag-asawa dahil naghiwalay sila. May kakambal si Crisan, si Crisel (Pauline Mendoza) na bata pa ay namatay na, pero hindi siya humiwalay sa kakambal niya. Nakikita siya ni Crisan.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Walang anak sina Geraldine (Carmina) at Raymond (Marvin Agustin), kaya inampon nila si Cheska (Kyline) na lumaking matapobre. Nang magdalaga na sila, pumasok kay Cheska ang kaluluwa ni Crisel na inggit na inggit kay Crisan dahil nagagawa nito ang gusto samantalang siya ay nakatingin lang lagi lalo na nang makilala si Diego (Miguel Tanfelix). Obsessed na si Crisel sa pagmamahal kay Diego kaya ayaw na niyang humiwalay sa katawan ni Cheska, at kalaunan sa katawan na ni Crisan.

Si Crisan naman ang sumapi sa katawan ni Cheska, kaya naging mabait na ito at si Crisel pa rin ang masama, sa katawan na ni Crisan.

Alam ng masusugid na sumusubaybay sa serye ang pinagdaraanang hirap ni Crisan sa katawan ni Cheska at ang lagi namang takot na si Crisel sa katawan ni Crisan na laging inaaway ng kakambal.

Kung kailan magiging maayos ang lahat, iyon ang pinakaaabangan ng televiewers.

Pero hindi yata maiiwasan na mag-away ang fans nila lalo na at itatampok ang life story ni Kyline this Saturday sa Magpakailanman ni Mel Tiangco. Si Krisel mismo ang gaganap sa kanyang character, kaya nagtatanong na ang fans ni Bianca kung bakit nauna pang itampok ang life story ni Kyline samantalang matagal na si Bianca sa GMA pero hindi pa rin ipini-feature ang life story sa drama anthology.

But we heard na si Bianca ang ayaw pumayag na ilabas ang life story niya sa Magpakailanman, and for what reason, hindi niya sinasabi.

So, manood na lang tayo gabi-gabi ng Kambal Karibal after ng The Cure at sa Saturday after ng Pepito Manaloto ang life story ni Kyline.

Saka walang dapat ipag-alala ang fans na parehong nagmamahal kina Bianca at Kyline, dahil best of friends silang dalawa off-camera, lagi silang magkasama sa tent at nagkukulitan kung wala silang take