Ni NORA CALDERON

INABANGAN at tinutukan ng televiewers ang pilot episode The Cure, ang pinakabagong primetime series ng GMA Network na tinagurian nilang epidemic serye.

Tom Rodriguez and Jennylyn Mercado (4) copy

Maaga pa at nagsisimula pa lamang ay nag-trending na ito sa Twitter, nakakuha agad ito ng 24.4 thousand tweets against 2,853 tweets ng katapat nilang show.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sinimulan kasi ang episode na ipinakitang kumalat na ang epidemya at lahat ay gustong makakuha ng gamot laban sa naturang sakit na bawat makagat ng taong mayroon nang virus ay hindi na mapigilan ang rabies mula sa kumagat sa kanila.

Napanood agad si Jennylyn Mercado as Charity Sandoval na hinahanap ang asawang si Greg Sandoval (Tom Rodriguez) at ang anak nilang si Hope (Leanne Bautista), at takot na takot ang bata dahil sa mga taong gustong makalabas sa kinakukulungan nila.

Saka pa lang ipinakita ang simula na isang masayang pamilya sina Charity, Greg, Hope at Agnes (Irma Adlawan), nanay ni Greg. Masayahin si Agnes hanggang sa biglang nawalan ng malay at noon na-diagnose na mayroon siyang stage 4 ng pancreatic cancer.

Gustong lumaban ni Agnes, pero tinalo siya ng sakit, at hindi naman makayanang tingnan ni Greg ang paghihirap ng ina.

Clinical research associate sa isang international pharmaceutical laboratory si Greg at alam niyang may tinutuklas silang gamot sa cancer, pero five to six years pa bago ito pwedeng gamitin sa tao. Patuloy pa nila itong itini-test sa isang gorilla, si Tasya. Nababagalan siya sa prosesong ginagawa nila, pero may pakiramdam siyang ito ang magiging sagot sa paghihirap ng kanyang ina, kaya gumawa siya ng hakbang. Ang hindi na niya inisip ay kung ano ang magiging epekto nito sa kanyang ina.

Patuloy na nai-excite ang mga manonood ng The Cure. Sina Tom at Jennylyn naman, hindi pumapalya sa kanilang training para maging handa ang katawan nila sa mga susunod na eksena na mangangailangan ng lakas para magampanan.

Patuloy na tutukan ang The Cure gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.