Ni Reggee Bonoan

MAKAILANG beses nang sinasabi ni Kris Aquino na ang bunsong anak na si Bimby ang katapat niya pagdating sa pag-iinterbyu dahil mana sa kanya sa dire-diretsong mga tanong.

Kris copy

Matatandaan na gustung-gustong sumama ni Bimby nang pumirma ng kontrata si Kris sa Star Cinema para sa pelikulang I Love You, Hater para siya raw ang mag-interbyu sa mama niya, pero hindi siya pumayag dahil baka kung anu-ano raw ang itanong nito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero nitong Lunes ng gabi bago matulog ay nag-post si Kris ng video na ini-interview siya ni Bimby at may caption na, “The tables were turned. My bunso got to interview me. I specifically asked NOT to be shown the questions in advance because I wanted all of you to really get to see my #AUTHENTICITY. This uploads tomorrow. Sharing with all of you a teaser before I say good night.”

Naaliw kami sa mga tanong ni Bimby sa ina tulad ng, “Would you want to have another relationship in the future?” “Mama do you think you will ever betrayed again?” “Will you love someone in the future?”

At alam pala ni Bimby kung sino ang first love ng mama niya dahil nang magtanong ito ng, “Who was your first love?” na ang cute na nasabi ni Kris, ‘first love?’ ang sabi ng bunso, “A... A... A... Al (Alvin Patrimonio)” ang tanging nasabi na lang ng ina,

‘Hay, nakakaloka ‘to!’

Hirit ulit ni Bimby, “Will you love someone more than me and kuya in the future?” na agad sinagot ni Kris ng, ‘Never! Having a relationship with Kris Aquino means having a relationship with the entire Philippines.”

Ang pumapalakpak na sabi ni Bimby, “Yehey, that means you will never got a boyfriend.”

Ang nasabi na lang ni Kris, “See, ang hirap nito, eh, sumasagot pa ako,” sabay hawak sa ulo.

“My God BCAP’s (Bimby Cojuangco Aquino Production) gonna be viral, yes!” say ni Bimby.

“Why do you spoof your mother?” tanong ni Kris sa anak.

“Because it’s fun!” sabi ni Bimby.

Umabot na agad sa 371,000 views ang interbyuhan ng mag-ina after ilang hours simula nangvi-post at tiyak na magtuluy-tuloy pa ito. Siguradong magiging viral nga ang full interview ng mag-ina dahil marami na ang nag-aabang sa mga ibubuking pa ni Bimby tubgkol sa ina.

Natatandaan namin, Bossing DMB noong nasa bahay tayo nila, panay ang saway ni Kris kay Bimby dahil kung anu-ano ang pinagkukuwento. Hindi na siguro puwedeng ma-interview ng media ang bunsong anak ng Queen of Online World at Social Media dahil... lagot!