Ni Fer Taboy

Patay ang dalawang hinihinalang holdaper makaraang mapaengkuwentro sa mga pulis sa Calamba City, Laguna kahapon ng madaling araw.

Sa report ng Calamba City Police Office (CCPO), nangyari ang holdapan dakong 2:11 ng umaga sa Barangay Bacnotan, Calamba City.

Ayon sa ulat, matapos umanong holdapin ang isang gasolinahan ay kaagad na tumakas ang dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo nang dumating ang mga pulis.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa follow-up operation, namataan ang mga suspek sa bypass road at hinabol ng mga operatiba ng Special Weapons and Tactics (SWAT) hanggang sa sumiklab ang sagupaan at napatay ang mga suspek.

Nabawi umano mula sa mga suspek ang isang .45 caliber pistol at isang improvised shotgun, gayundin ang perang hinoldap ng mga ito.