Team TOTGA outing copy

HINDI na itinuturing na trabaho ng cast ng The One That Got Away na sina Dennis Trillo, Rhian Ramos, Max Collins, Renz Fernandez, Jason Abalos, Ivan Dorschner, Nar Cabico, at Lovi Poe ang kanilang tapings dahil ini-enjoy nila ang bawat eksena.

Dahil natapat sa summer ang kanilang romantic-comedy series, mas madalas na mala-picnic na mga eksena, beach scene, at patalbugan sila sa kanilang mga outfit of the day (OOTD).

Palagi silang nasa location, sa Hacienda Isabella, ang vacation house na pag-aari ni Kuh Ledesma. Supposedly, bahay iyon ni Dennis as Liam sa istorya.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Ilang beses na rin silang nag-shoot sa beach, kaya kanya-kanyang rampa sila sa kanila-kanilang trendiest summer outfits. May isa pa silang eksena sa beach na kinunan noong isang araw, at hindi na naman nagpakabog sa isa’t isa sina Alex (Lovi), Zoe (Rhian) at Darcy (Max).

“Pero hindi namin kinalilimutan ang mga dapat mangyari sa story,” sabi ni Lovi. “Like ang mga problemang kinasasangkutan ng bawat isa. Ang online scandal ni Zoe, pero look kung ano ang ginawa niya, hindi masisira ng said scandal ang pag-aalaga niya sa sarili, dahil iyon ang dapat, kung stressed man siya, makikita pa ring she is always best dressed.

“Ako nga as Alex, bagong kasal kami ni Liam, pero may problema na rin agad, stressed ako sa work, napagalitan pa ng boss dahil sa bigla naming pagpapakasal ni Liam, at nag-honeymoon, naapektuhan ang work namin, pero dahil pareho kaming host ng isang show, kailangang lagi kaming well-dressed. At si Darcy, napakaselosa pala niya nang maging boyfriend niya si Iñigo (Ivan), pero lagi siyang palaban para sa kanyang mga kaibigan, nanunugod siya ng mga aapi sa mga beshies niya, at take note, kung ano lagi ang mga suot niya, mga pang-workout ang outfit niya, pero sosyal naman.”

Nagpapatalbugan din ang dalawang beki na sina Renz as Gab at Nar as Bunny. Wala nang pakialam si Renz, todo na ang pagganap niya as beki at kinagigiliwan siya ng viewers/netizens.

Thankful ang buong cast dahil mataas ang ratings nila. Mas enjoy sila sa taping dahil alam nilang super enjoy din ang mga nanonood bukod pa sa may moral values na inihahatid ang mga eksena nila. Napapanood sila gabi-gabi pagkatapos ng Kambal Karibal. (Nora Calderon)