Ni Jun Ramirez

Sinabi kahapon ng isang mataas na opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na ang paghahain ng 2017 income tax returns (ITRs) na nagtapos noong Abril 16 ay pinaka-hassle-free at organisado sa kasaysayan ng ahensiya.

Sinabi ni Revenue Commissioner for Information System Lanee C. David na inasahan na nila ang maayos na pagsumite ng returns dahil sa malawakang paghahanda simula Enero sa public consultations sa taxpayers kaugnay sa pagpapatupad ng Tax Reforms for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Ayon sa opisyal ng BIR, ang filing process ngayon ay mas convenient at mabilis dahil sa iba’t ibang electronic services tulad ng electronic filing at payment system (eFPS) at and eBIRForms.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang