Ni Mary Ann Santiago

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) sa mga magsisilbi sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Mayo 14 na kaagad na makukuha ng mga ito ang kanilang kumpensasyon kapag natapos na ang kanilang election duties.

Ayon sa Comelec Finance Services Department, ang honoraria at travel allowances ng poll workers, partikular ng mga guro, ay babayaran nito ng cash, o sa pamamagitan ng cash card ng Development Bank of the Philippines (DBP).

Sa ilang priority areas, cash ang bayad sa ilang poll workers, habang sa ibang lugar ay tatanggap ang mga ito ng kumpensasyon sa pamamagitan ng DBP cash card.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Mismong ang mga election officer ang magbabayad sa poll workers.

Batay sa Republic Act 10756 o Election Service Reform Act, ang mga magsisilbing chairperson ng Electoral Boards ay tatanggap ng P6,000, habang ang mga miyembro ay may tig-P5,000.

Ang mga Department of Education Supervisor Official (DESO) ay makakakuha ng tig-P4,000, habang tig-P2,000 ang support staff—at lahat sila ay may tig-P1,000 travel allowance.