Ni Light A. Nolasco

PANTABANGAN, Nueva Ecija – Nalunod ang magkapatid nang mag-outing ang mga ito sa isang dam sa Nueva Ecija, nitong Lunes ng hapon.

Sina Eric Peralta, 36, binata; at Ryan Peralta, kapwa ng Poblacion Norte, Rizal, Nueva Ecija, ay patay na nang maiahon sa Pantabangan Dam sa Sitio Intang, Barangay Liberty.

Sa imbestigasyon ng Pantabangan police, nagtungo ang pamilya ng magkapatid sa naturang water reservoir upang mag-picnic.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Matapos mananghalian, nagpasya si Eric na lumangoy sa mababaw na bahagi ng dam hanggang sa siya ay mawala.

Matapos ang ilang minuto, nakita ito at tinangkang sagipin ng kapatid na nalunod sa lugar.