Nina FER TABOY at BELLA GAMOTEA

Iniharap kahapon ng Philippine National Police- Counter-Intelligence Task Force (PNP-CITF) sa media ang dalawang pulis na inaresto dahil sa umano’y pangongotong sa mga jeepney at bus driver sa Pasay City.

NANGONGOTONG SA MGA TSUPER? Makikita ang mugshot nina Police Officer 2 Jerry Adjani Jubail (kaliwa) at Police Officer 1 Michael Domalanta na kapwa inireklamo ng mga bus at jeepney drivers dahil sa umano’y pangongotong kapalit ng mga pasahero sa Pasay City.

Ayon kay Senior Supt. Jose Chiquito Malayo, hepe ng PNP-CITF, kinilala ang mga inaresto na sina Police Officer 2 Jerry Adjani Jubail at Police Officer 1 Michael Domalanta, kapwa nakatalaga sa Malibay Police Community Precinct.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nag-ugat ang entrapment operation sa natanggap na sumbong ng CITF hinggil sa umano’y pangongotong ng dalawang pulis sa mga driver ng jeep at bus.

Base s a imbestigasyon, nagreklamo ang mga driver na hinihingan sila ng pera ng mga suspek kapalit ng mga pasahero sa lugar.

Agad inaresto ang dalawang pulis makaraang makuha ang marked money sa entrapment operation.

Sasampahan sina PO2 Jubail at PO1 Domalanta ng kasong administratibo, na may parusang pagsibak sa serbisyo.