PINATUNAYAN ni Woman National Master (WNM) Christy Lamiel Bernales na walang makakapigil sa kanya sa paghatid sa tagumpay sa Team Hermida matapos ang masterful conquest kontra kina Woman Fide Master Cherry Ann Mejia, 2-1, sa armageddon tie-break at Woman International Master Bernadette Galas, 2-0, ng Team Orbe, nitong Sabado sa five minutes, five second delay, Blitz time control format na tinampukang Rage of Angels Part II.

Napanood ng live worldwide ang torneo sa YouTube at Facebook channel ng National Chess Federation of the Philippines.

Ayon kay tournament organizer Philippine Executive Chess Champion Atty. Cliburn Anthony A. Orbe, pumasok si WNM Bernales sa battle arena kung saan ang kanyang team mate na si Mariel Batulan ay natalo kay WFM Mejia sa isa pang armageddon tie-break sa event na suportado ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP).

Si Batulan ay unang nagwagi kay Woman National Master (WNM) Jean Karen Enriquez, 1.5-0.5.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Habang si WNM Enriquez, ang nagpatalsik kina WNM Arvie Lozano, 2-0, at Woman Fide Master Allanney Jia Doroy, 2-1, sa isa pang armageddon tie-break.

Maganda naging simula ng kampanya ng Team Hermida matapos manalo si WNM Lozano kay Highzzy Manaloto, 2-1, sa armageddon tie-break