IPINAGDIRIWANG ng Asian Kennel Club Union of the Philippines, Inc. (AKCUPI) ang ika-10 taong anibersaryo na may hangaring pananatilihin pa ang pagyabong nito at abutin ang pinakaaasam na rurok ng tagumpay sa industriya ng purebred registry sa bansa.

 AKCUPI OFFICERS AT STAFF: (mula sa kaliwa unang hilera) Lucianne Cham, May Mayo, Rommel Aviles. Likod mula sa kaliwa: Ed Cruz, Dr. Nathaniel Cheng, Jester Jo OngChuan, Nelson Uy, Dr. Jerry Hawson, Joseph OngChuan, Henry G. Babiera, John Irvin Uy at Erwin Alegado. Wala sa larawan sina Arch. Desmond Ong, Fe Lanny Alegado at Arch. Albert Lim.


AKCUPI OFFICERS AT STAFF: (mula sa kaliwa unang hilera) Lucianne Cham, May Mayo, Rommel Aviles. Likod mula sa kaliwa: Ed Cruz, Dr. Nathaniel Cheng, Jester Jo OngChuan, Nelson Uy, Dr. Jerry Hawson, Joseph OngChuan, Henry G. Babiera, John Irvin Uy at Erwin Alegado. Wala sa larawan sina Arch. Desmond Ong, Fe Lanny Alegado at Arch. Albert Lim.

Itinatag noong Marso 30, 2008, ang AKCUPI ay isang pangunahing dog registry sa Pilipinas na may higit na 583,000 na rehistradong aso. Isang tagapagtaguyod ng responsible pet ownership, ang club ay client-friendly, tapat at isang pinangangalagaan ang integridad ng pedigrees. Ang club ay hindi naniningil ng membership fee kayat nabibigyan ang dog owners ng value for their money.

Ang club ay pinangungunahan ng entrepreneur, environmentalist at animal lover na si Henry G. Babiera na nagsabing siya’y namangha at humanga sa malaking tagumpay ng AKCUPI sa maikling panahon lamang.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

“Ang ating tagumpay ay nakasandal sa apat na pillars – transparency, honesty, integrity at service – mga palatandaan ng isang tunay na purebred dog registering organization. Pinasasalamatan ko ang mga dog aficionados at breeders na patuloy nilang pagtangkilik at suporta nila sa AKCUPI,” sambit ni Babiera.

Sa loob ng 10 taon nakapagtanghal na ang AKCUPI ng di mabilang na international all-breed dog shows na hinatulan ng de kalibreng international all-breed judges mula sa United States, Canada, South America, European Union at Asia.

Nakapaglunsad na rin ito ng maraming gawaing pang-komunidad bilang bahagi ng kanyang social commitment, tulad ng anti-rabies immunization drives bilang suporta sa R.A. 9482 (Anti-Rabies Act), pet blessing, dog walk, pet welfare at grooming. Ang AKCUPI ay founding member ng Union of Asian Kennel Clubs (UAKC) at kasapi ng My Allianza (MA) at International Kennel Union (IKU).

Bukod kay Babiera, ang iba pang opisyal ng club ay sina: Jester Jo Ong Chuan, president; Dr. Nathaniel Cheng, vice-president; Fe Lanny Alegado, corporate secretary; Lucianne Cham, corporate treasurer; at Arch. Desmond Ong, auditor.

Ang AKCUPI office ay matatagpuan sa 954 Quezon Avenue katabi ng Meralco at sa kabilang kalye mula sa Roosevelt Avenue at Fisher Mall. Bisitahin ang website: www.akcupi.com para sa dagdag na kaalaman at contact numbers para sa mga katanungan tungkol sa registration o i- like ito sa Facebook ASIAN KENNEL CLUB UNION OF THE PHILS. INC. (AKCUPI)