Ni Mary Ann Santiago
Sa pamamagitan ng social media, naaresto ang isang teenager na inaakusahang tumangay ng motorsiklo sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City kamakalawa.
Na h a h a r a p s a k a s o n g paglabag sa Republic Act 10883 o Anti-Carnapping Law si Joshua Patalinghog Camposano, 18, ng Bangkaan Street, matapos ireklamo ni Lorena Angeles, 20, ng Jasmine St., Twin Ville Subdivision, kapwa ng Bgy. Concepcion Uno.
Sa ulat ng Marikina City Police, tinangay umano ng suspek ang Yamaha Sniper (NA 38224) na nakaparada sa tapat ng bahay ng complainant noong Abril 16, bandang 7:00 ng umaga.
Agad ini-report ni Angeles sa Anti-Carnapping Unit ang insidente upang mabawi ang motorsiklo at maaresto ang suspek.
Nagdesisyon din ni Angeles na i-post sa kanyang Facebook a c c oun t a n g n a n g y a r i a t nagbakasakaling makatulong ito sa kaso.
Hindi nagkamali ang biktima dahil makalipas ang ilang araw, may isang concerned citizen na nagpadala ng mensahe sa kanya at nakapagbigay ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng suspek.
Ipinaalam ito ni Angeles sa mga pulis at sinalakay ang itinurong lugar at naaresto si Camposano at nabawi ang motorsiklo.