BUKOD sa mga premyadong fighter sa fight card ng ONE: HEROES OF HONOR ngayon, itatampok din ng nangungunang MMA promotion sa Asya, ang ONE Super Series sa MOA Arena.

Ibinida ni ONE Championship Chairman and CEO Chatri Sityodtong, na tiyak na magugustuhan ng MMA fans ang bagong programa ng ONE na magtatampok sa mga mahihusay ng practitioner sa iba’t ibang martial arts dicipline.

Tampok sa ONE Super Series ang mga matitikas na martial artists mula sa Muay Thai, kickboxing, karate, taekwondo, Kung Fu, wushu, sanda, silat, lethwei, at iba pa.

Inaabangan naman sa main event ng ONE FC ang duwelo sa pagitan nina Pinoy Kevin “The Silencer” Belingon at Andrew Leone ng Cortland, New York, USA.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA