Ni Mary Ann Santiago

Patay ang isang traffic enforcer makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang armado sa loob mismo ng kanilang satellite office sa Binondo, Maynila, kahapon ng tanghali.

Agad nalagutan ng hininga si Tranquilino Vuelga, 61, officer-in-charge (OIC) ng MTPB Task Force Parola, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Samantala, inaalam na ang pagkakakilanlan ng suspek na inilarawang nakasuot ng puting stripe na T-shirt, maong pants, bull cap at may taas na 5’5”.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Station 11, naganap ang pagpatay sa satelite office na matatagpuan sa Barangay 275, Parola Compound sa Binondo, bandang 11:30 ng tanghali kahapon.

Nasa loob ng tanggapan ang biktima nang pumasok ang salarin, na hindi nakilala dahil sa suot nitong face mask at sombrero, at pinagbabaril ang biktima bago naglakad para tumakas.

Nire-review na ng mga pulis ang kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.