Ni Reggee Bonoan

AKALA namin ay mahal ng mga nakatrabahong production people ang sikat na aktor dahil nga kapag nakakausap siya ng reporters ay sobrang bait niya at may mga kuwento siyang madali siyang maawa sa mga staff sa production at may mga tinutulungan din daw siya. Hindi pala dahil sinusukuan pala siya.

Nang may maka-tsikahan kaming bossing sa production ay umiling siya at pinahihirapan daw ng aktor na ito ang mga staff niya kapag may shooting sila ng pelikula at tapings ng show.

Dedma kami sa umpisa dahil baka naman natiyempuhan lang na wala sa mood ang sikat na aktor, pero nu’ng naka-kuwentuhan din namin ang ibang taga-production mula sa ibang movie outfit ay plakado ang mga sinasabi.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Hirit namin, kung isinusuka nila ang sikat na aktor, bakit hindi nila tanggihan ito.

“May kontrata kasi. Pero ‘yung isang producer, ayaw na siyang kunin kasi nagre-reklamo ang mga staff sa production o kaya nagre-resign kapag kasama siya sa project,” sabi sa amin.

Marami raw alibi sa buhay niya ang aktor kapag nali-late dumating sa set at kapag minalas pa ay nagpapa-pack up siya lalo na kapag hindi na niya feel mag-shoot o mag-taping.