SEOUL (Reuters) – Ipinahayag ng South Korea nitong Miyerkules na ikinokonsidera nito ang pagsusulong ng peace agreement sa North Korea upang matuldukan na ang dekadang hindi pagkakaunawaan ng dalawang bansa.
Inihahanda na ng dalawang Korea ang summit sa pagitan nina Kim at South Korean President Moon Kae-in sa Abril 27, kung saan inaasahang pag-uusapan ng dalawang bansa ang pormal na pagtatapos ng 1950-53 Korean War.
“As one of the plans, we are looking at a possibility of shifting the Korean peninsula’s armistice to a peace regime,” pahayag ng isang high-ranking South Korean presidential official nang matanong tungkol sa North-South summit.
Maituturing pa ring nasa digmaan ang South Korea, U.S.-led U.N. force at North Korea dahil pansamantala lamang inihinto ang labanan at hindi naman nagkaroon ng peace treaty