Mula sa Reuters

PINARANGALAN nitong Lunes ang California rapper na si Kendrick Lamar ng Pulitzer Prize for Music, at naging kauna-unahang rapper na tumanggap ng nasabing mga prestihiyosong arts award sa Amerika.

Kendrick copy

Napanalunan ni Lamar, 30, ang Pulitzer para sa kanyang 2017 album na DAMN. At siya rin ang unang music winner sa 100-year history ng Pulitzers, mula sa mundo ng classical o jazz music.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Opisyal nang naungusan ng rap ang rock noong 2017 bilang pinakamalaking music genre sa Amerika.

Ang paghahalo ni Lamar sa jazz, panitikan at blues na may social themes at love songs sa kanyang mga awitin ang naging susi para tanghalin siya bilang pinakamakabagong rapper sa kanyang henerasyon.

Kinilala ng Pulitzer nitong Lunes ang DAMN., na inilabas noong Abril 2017 bilang “a virtuosic song collection unified by its vernacular authenticity and rhythmic dynamism that offers affecting vignettes capturing the complexity of modern African-American life.”

Naging wagi na rin sa mga nakaraang Pulitzer music awards ang jazz musician na si Wynton Marsalis at si Ornette Coleman.

Ang DAMN., ikaapat na album ni Lamar, ay tungkol sa relihiyon, pag-ibig, personal na problema, at pulitika. Nanguna ito sa Billboard 200 album charts sa loob ng tatlong linggo pagkalabas pa lamang ng album noong nakaraang taon, at ito ang naging angkla ni Lamar para magwagi ng limang parangal sa Grammy Awards sa New York noong Enero.

Gayunman, nabigo ang album na makamit ang top Grammy prize - Album of the Year – na ‘tila binalewala ng music industry voters ang rap genre, sa kabila ng paglawak ng popularidad nito.

Dalawa lamang na hip-hop albums ang nagwagi ng Grammy for album of the year: ang The Miseducation of Lauryn Hill ni Lauryn Hill noong 1999 at Speakerboxxx/The Love Below ng Outkast noong 2004.

Isinilang at lumaki si Lamar sa Compton sa Los Angeles, ang tahanan ng hip-hop pioneers na NWA, at nagsimula siyang magsulat ng mga awitin sa edad na 16.

Siya rin ang nag-produce ng soundtrack ng 2018 superhero box-office hit film na Black Panther, at nagtanghal ng lead single na Pray For Me kasama si The Weeknd.