Ni Jeffrey Damicog
Itinanggi ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II nitong Lunes ang mga alegasyon na sangkot umano siya sa shredding o pagpapagiling sa ilang dokumento sa Department of Justice (DoJ) bago siya nagbitiw sa tungkulin.
“Foremost, I did not order any of my personnel to shred documents during my last day in the office at the DoJ. If any shredding was done, I know nothing about it,” saad sa pahayag ni Aguirre.
Bumuwelta ang dating DoJ chief sa balitang pinag-aaralan ng humalili sa kanyang si Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga alegasyon na pinagpupunit-punit umano ni Aguirre ang mga importanteng dokumento sa kagawaran, bago umalis sa pwesto.
Inilarawan ni Aguirre ang balita bilang “downright malicious.”
Ipinagdiinan din niya na walang mali sa nasabing aktibidad dahil “shredding of documents is being regularly done in public and private offices.”
“Assuming, for the sake of argument that it was true, what is wrong with shredding papers when what were shredded were already considered waste?” tanong ni Aguirre.
Aniya, ang pagpapagiling sa mga dokumento ay maaaring ginawa “to prepare the office for the incoming Justice Secretary.”
“We can even surmise that it was done to get rid of unneeded or unwanted documents,” dagdag pa niya.
Bukod kay Aguirre, sinigurado rin nina Justice Undersecretaries Reynante Orceo at Erickson Balmes walang mga pinagpupunit na dokumento sa kani-kanilang opisina.
Samantala, nangako naman si Guevarra kahapon na kanyang aalamin ang pinagmulan ng mga ulat hinggil sa pagpapagiling ng mga dokumento.
“In fairness to Sec. Vit, I will also ask him,” sabi ni Guevarra.