PALARO GOLD! Nakamit ni Leslie de Lima (gitna) ang unang gintong medalya sa 2018 Palarong Pambansa sa 3,000-meter run, habang nasubi ni Algin Gomez ng Region 2 ang ginto sa long jump Secondary Boys sa unang araw ng aksiyon sa Elpidio Quirino Stadium sa Bantay, Ilocos Sur. (RIO DELUVIO)

PALARO GOLD! Nakamit ni Leslie de Lima (gitna) ang unang gintong medalya sa 2018 Palarong Pambansa sa 3,000-meter run, habang nasubi ni Algin Gomez ng Region 2 ang ginto sa long jump Secondary Boys sa unang araw ng aksiyon sa Elpidio Quirino Stadium sa Bantay, Ilocos Sur. (RIO DELUVIO)

Bicol runner, tagumpay sa ikatlong pagtatangka sa Palarong Pambansa

VIGAN, Ilocos Sur – Nakamit ni Lheslie de Lima ang bansag bilang unang atleta na nagwagi ng gintong medalya sa 2018 Palarong Pambansa nang pangunahan ang Bicol Region sa 3,000 meter run secondary girls sa pagsisimula ng aksiyon kahapon sa 61st edisyon ng pamosong multi-event para sa estudyanteng atleta sa Quirino Stadium dito.

Lumabis pa ng isang lap si de Lima nang hindi marinig ang hudyat , ngunit opisyal niyang naitala ang tyempong 10 minuto at 06.54 segundo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Medyo mahina po kasi yung bell kaya hindi ko po narinig, kaya ayun tumakbo pa rin po ako. Akala ko po kasi hindi pa tapos,” pahayag ng 13-anyos na tubong San Juan Baao Camarines Sur at Grade 8 ng Baao National High School.

Ito ang kanyang ikatlong pagsabak sa taunang torneo at unang gintong medalya. Nabigo siya sa unang pagtatangka at nakasungkit ng silver medal sa pagsabak sa 1,500meter at 800m run sa Antique sa nakalipas na edisyon.

“Ito po ang first time ko na makakuha ng ginto dito sa Palaro. Masayang masaya po ako kasi alam o matutuwa po ang mama at papa ko,” pahayag ni de Lima, ikalima sa pitong magkakapatid mula sa payak na pamilya sa lalwigan.

Tinalo ni de Lima ang pambato ng Northern Mindanao Region na si Camilla Tubiano na tumapos ng 10:07.07 sa orasan para sa silver at ang pambato ng Western Visayas na si Grace Tejones para sa bronze sa kanyang kanyang 10:52.99.

Sa long jump, nahablot ni Algin Gomez ng Western Visayas Region ang unang ginto sa Palaro sa naitalang 6.96 meters sa Secondary boys.

Pinataob ng 17-anyos na si Gomez ang kanyang mga kalaban na sina James Oliver Meim ng MIMAROPA region na nagtala ng 6.88 para sa silver at si Lowell Jay Batobalani ng SOCCSKSARGEN Region nagtala naman ng 6.76 para sa bronze.

Samantala, hindi rin nagpahuli ang National Capital Region (NCR) matapos na ihagis ni Christian Ampong ang kanyang pinakamalayong bato sa 58.51 distansya para sa ginto sa javelin throw at pataobin ang mga kalaban na sina John Paul Sarmiento ng MIMAROPA Region na nakapagtala lamang ng distansyang 53.87 para sa silver at Jhon Dave Tumulak ng SOCCSKSARGEN region sa 53.66 na kanyang naitala para naman sa bronze. Sa Shotput ementary naman ay nanguna si Rashied Faith Burdeos ng Cagayan region matapos na itala ang 10.13 layo para makuha ang ginto. Pinataob ni Burdeos ang dalawang pambato ng Western Visayas Region na sina Realyn De Costa sa 10.11 na distansya para sa silver at si Hannah Alilea Apdo na nagtala ng 9.79 distansya para sa bronze.