Ni Bert de Guzman

Ituturing ang Boy Scouts of the Philippines (BSP) bilang isang non-government organization (NGO).

Ito ang inaayos ngayon ng House committee on government enterprises and privatization, na lumikha ng technical working group (TWG) na mag-iisa sa apat na panukala na ang layunin ay ideklara ang BSP bilang isang NGO.

Pagsasama-samahin ang House Bills 2232, 3212, 5411, at 7000 ng komite na pinamumunuan ni Rep. Jesus Nonato Sacdalan, habang si Rep. Rene Relampagos naman ang mangunguna sa TWG.

'Laro Laro Pick' contestant, nagpaalala sa kapuwa kabataan: 'Vote wisely!'