Ni Light A. Nolasco

STA. ROSA, Nueva Ecija - Isa umanong drug pusher ang napatay ng pinagsanib na puwersa ng Sta. Rosa Station Drug Enforcement Unit (SRDEU) at Gen. Tinio Police nang manlaban umano sa pulisya sa buy-bust operation sa Barangay Soledad, Sta. Rosa, Nueva Ecija, nitong Miyerkules ng umaga.

Hindi na naisugod sa pagamutan ang suspek na si Darius Razon, 43, ng Bgy. Rio Chico, Gen. Tinio, nang kaagad itong masawi dahil sa mga tinamong tama ng bala ng baril sa katawan.

Dakong 11:25 ng umaga nang isagawa ang operasyon, at nakumpiska umano sa suspek ang ilang piraso ng hinihinalang shabu, isang .38 caliber revolver, marked money, at tatlong basyo ng .9mm pistol.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20