Ni NORA CALDERON

Alden kasama sina Bova at Ana Feleo
Alden kasama sina Bova at Ana Feleo
PAGKATAPOS tanggapin ni Alden Richards ang Silver medal at trophy para sa Alaala: A Martial Law Special docu-drama ng GMA Network, Inc. mula sa 2018 New York International Television & Film Awards sa Westgate Las Vegas Resort & Casino, mag-isa na lamang siyang naiwanan doon kasama ang handler niyang si Leysam Sanciangco.

Bumalik siya sa New York at nakipagkita sa renowned acting coach na si Anthony Bova para sa isang one-on-one workshop, kasama ang facilitator na actress-opera singer na si Ana Feleo.

Nang muling pumunta sa GMA Network si Mr. Bova last year, nagkasundo sila ni Alden para sa isang one-on-one workshop pagkatapos ng “Sikat Ka, Kapuso” shows with Dingdong Dantes, Lovi Poe, Betong Sumaya, Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa New Jersey, USA at Toronto, Canada. Pero nag-attend nga muna si Alden ng New York Interntational TV & Film Awards, bago sila muling nagkita ni Anthony Bova.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Nag-post si Ana ng, “Great workshop today!!! (April 12 New York time) @aldenrichards02.” Sa isa pang post niya: “Great steak! Great desserts! Great conversation! Thanks for dinner @aldenrichards02.“ Ni-like ito nina Lotlot de Leon, Max Collins, Lorna Tolentino at iba pa.

Nag-comment si Alden ng, “Babalik ako ate” na sinagot ni Ana ng “Yes! Ganda ng commitment mo sa workshop. So proud of you! Ang tapang mo na.”

Ngayong araw nakatakdang bumalik sa bansa si Alden, at tiyak na kasunod na nito ang pagharap niya sa taping ng bago niyang teleserye sa GMA-7 na bago pala siya umalis ay nag-first taping day na siya under Direk Dominic Zapata.