Ni Light A. Nolasco

CARRANGLAN, Nueva Ecija - Isa ang nasawi habang tatlo ang nasugatan nang aksidenteng bumulusok sa tulay ang isang multi-cab sa Sitio Camanggahan, Barangay Capintalan, Carraglan, Nueva Ecija, nitong Miyerkules ng hapon.

Dead on the spot si Cadiom Paay, ng Bgy. Capintalan, Carranglan, dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Isinugod naman sa ospital sina Lamberto Villa, chairman ng Bgy. Capintalan; Timmy Ligligan; at driver na si Renny Atumpag.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa pag-iimbestiga ng pulisya, dakong 12:50 ng tanghali nang mangyari ang insidente.

Nag-overtake umano ang multi-cab (THT-367) na minamaneho ni Atumpag sa isang sasakyan ngunit nawalan ito ng kontrol at nahulog sa bangin nang umiwas sa kasalubong na isa pang sasakyan.

Naisugod naman sa Bambang Hospital sa Nueva Vizcaya ang mga biktima.