Ni JIMI ESCALA

BALIK-KAPUSO si Sunshine Cruz pagkatapos ng ilang taong pagiging Kapamilya.

CAST AND STAFF NG 'KARIBAL...' copy

Ilang teleserye rin ang nagawa ni Sunshine sa ABS CBN, pinakahuli ang Wildflower na napakaganda ng role niya.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Ilang Maalaala Mo Kaya episodes din ang nagawa ni Sunshine sa Dos na lalong humasa sa kanyang acting ability, at isa sa mga ito ang nagpanalo sa kanya ng first Best Actress Award niya.

Ngayong nasa GMA-7 na ang minamahal naming aktres, big project agad ang gagawin niya, ang Karibal Ko Ang Aking Ina.

Siya ang magiging bidang ina at si Bea Binene naman ang gaganap na anak niya. Of course, ayon sa ipinahihiwatig ng title, iibig sila sa iisang lalaki.

Ayon kay Sunshine, masayang-masaya siya sa pagbabalik niya sa nasabing network.

“Kuya Jimi, alam naman ng lahat na nag-start ako sa That’s Entertaiment, then sa GMA Supershow, at bago ako nag-asawa meron pa akong ginawa dito sa Channel 7,” sabi ni Sunshine.

Naging mainstay siya ng Bubble Gang bago ikinasal kay Cesar Montano.

“I am very happy and blessed na makakasama ako sa napaka-exciting at napaka-intriguing na teleserye. Pero malaking pasalamat pa rin naman tayo sa ABS-CBN dahil sa napakaraming blessings na ibinigay nila sa akin.

“Alam n’yo ‘yun, Kuya Jimi, dahil sa ABS, naka-survive ako ng ilang taon bilang single mom,” dagdag pa ng premyadong aktres