PANGUNGUNAHAN ni Hall of Famer Efren “Bata” Reyes ang Pinoy invasion sa tinampukang Efren Reyes Retirement Tour First Annual Asian Culture Day Pool Tournament sa Mayo 16-19 na gaganapin sa Orleans Hotel & Casino sa Las Vegas, Nevada.

Makakasama ni Reyes sa torneo ang mga bigatin din sa pool table na sina Dennis “Robocop” Orcollo at Zoren James “Dodong Diamond” Aranas. Nakatutok din sa titulo sina American Justin Bergman, Karen Corr, Jasmine Ouschan, Vivian Villarreal at Kelly Fisher.

Bago ang US trip, si Reyes, kinikilalang greatest player of all time ay nakipagkita kay dating International Billiard at Snooker Champion Marlon “Marvelous” Manalo sa isang billiard hall sa Macapagal Avenue nitong Huwebes.

Sina Reyes at Manalo, parehong nirendahan ang bansa sa matagumpay na kampanya sa international tournament.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Samantala, tutulak na ang Marlon Manalo Basketball Cup ngayon sa Barangay Malamig elevated court sa Mandaluyong City. Ayon kay tournament director Ariel Barroga Arcebal, naimbitahan bilang guest si JR Quiñahan ng NLEX Road Warriors, sa opening ceremonyng torneo na itinataguyod ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas National PRO and Barangay Malamig chairman Marlon Manalo, Barangay kagawad Cynthia Caluya at ng Council.

May kabuuang 20 teams ang nagpalista na sa junior at senior division, may 19 teams naman sa midget class at 6 teams sa mosquito category.