Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Blue Eagle Gym)

8:00 n.u. -- UST vs Adamson (M)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

10:00 n.u. -- UP vs UE (M)

2:00 n.h. -- UE vs UP (W)

4:00 n.h. -- Adamson vs UST (W)

NAKATAYA ang tsansa na makausad ng Final Four round, asahan ang pitpitan at dikdikang aksiyon sa pagtatapat ng Adamson University at University of Santo Tomas sa pambungad na laro sa men’s division ng UAAP Season 80 volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Kasalukuyang magkasunod ang dalawang koponan sa team standings sa likod nang nauna nang semifinalists na National University, season host Far Eastern University at defending champion Ateneo de Manila University (11-2).

Nakalalamang ang Falcons na may markang 6-7 laban sa Tigers na may 5-8 na kartada.

Ang panalo sa kanilang duwelo ngayong 8:00 ng umaga ay pormal na magsusulong sa Falcons sa susunod na round habang ang pagkatalo ay mangangahulugan ng muli nilang pagtutuos ng Tigers para pag-agawan ang huling Final Four berth sa isang knockout match.

Tatangkain ng Tigers na duplikahin ang 3-1 panalo kontra Falcons noong first round upang patuloy na buhayin ang tsansang umusad sa semis.

Kasunod nito, magtutuos sa isang no bearing match ang kapwa sibak na ring University of the East (0-13) at University of the Philippines (3-10) ganap na 10:00 ng umaga.

Puwestuhan din sa Final Four ang tema sa dalawang no bearing matches sa women’s division, ang tapatang UE at UP ganap na 2:00 ng hapon kasunod ang bakbakang Adamson at UST ganap na 4:00 ng hapon.