Ni Marivic Awitan

BANDERANG kapos ang kampanya ng No.3 seed Centro Escolar University makaraang masilat ng No.6 seed Zark’s Burger-Lyceum , 82-77, nitong Huwebes sa 2018 PBA D-League Aspirants Cup quarterfinals match sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Sa matikas na upset win, nakumpleto ng Jawbreakers ang Final Four cast.

Pinangunahan nina Jayvee Marcelino at MJ Ayaay ang Jawbreakers sa paghabol mula sa anim na puntos,59-65, na pagkakaiwan matapos ma- fouled out si CJ Perez may 4:54 ang nalalabi sa final period.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naibaba ng Jawbreakers ang 10-0 run para sa tagumpay.

Tumapos si Marcelino na may 17 puntos, kasunod si Ayaay na may 15 puntos.

Naitabla ni Ayaay ang iskor sa 74-all matapos ang kanyang back-to-back jumper bago ibinigay nina Reymar Caduyac at Jeric Serrano ang kalamangan sa Zark, 78-74.

Nakatakdang makatapat ng Zark’s ang Marinerong Pilipino sa simula ng semifinals sa darating na Martes.

“During halftime, I just reminded the players to just enjoy the game. Whatever happens, wala namang mamamatay pag natalo tayo. It gave them the freedom to play and I told them that missed shots are not turnovers. I told them to keep on grinding even if we make mistakes,” ani Zark’s coach Topex Robinson.