TAMPOK ang matitikas na chess player sa bansa sa pagtulak ng 1st International Arbiter Rolando “Rolly” Yutuc two (2) minutes blitz chess tournament sa Abril 21 sa PCCOnline Chess Challenge Facebook site.

Ang free registration chess event na inoranisa ni Facilitator / Arbiter Noel Morales at suportado ni International Arbiter Rolando “Rolly” Yutuc ay bukas sa lahat ng manlalaro, anuman ang edad at kasarian na ipapatupad ang Single-Elimination Tournament, Knock Out System format.

Nakalaan sa magkakampeon ang P1,500, naibubulsa ng runner-up ang P1,000, maiuuwi ng third placer ang P700 at matatangap ng fourth placer ang P500 habang makakamit ng Top Lady performer ang P300.

Angelica Yulo, ibinida training ng mga anak sa Japan