Ni RAYMUND F. ANTONIO

Nasamsam ng Customs authorities ang P2.1 milyong halaga ng used clothing o “ukay-ukay” na nakatago sa balikbayan boxes na ipinuslit sa bansa mula Hong Kong.

 SMUGGLED Ipinakikita nina Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña at Manila International Container Port Officer in Charge Miko Vargas ang 40- footer container ng “ukay-ukay” na nagkakahalaga ng P2.1 milyon sa Manila International Container Port (MICP) sa Tondo, Manila kahapon. (ALI VICOY)

SMUGGLED Ipinakikita nina Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña at Manila International Container Port Officer in Charge Miko Vargas ang 40- footer container ng “ukay-ukay” na nagkakahalaga ng P2.1 milyon sa Manila International Container Port (MICP) sa Tondo, Manila kahapon. (ALI VICOY)

Pinamunuan kahapon ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Isidro Lapeña ang inspection sa mga nakumpiskang kalakal na nakalagay sa 40-foot container at dumating sa Manila International Container Port (MICP) noong Pebrero 27.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Napansin ng Customs agents ang “suspicious images similar to bales of ukay-ukay” nang dumaan ang shipment sa X-ray scanning sa halip na mga bagay na nakadeklara sa import entry nito, anila.

Kasunod nito ay nagsagawa ang BoC ng physical examination sa shipment, at natuklasan ang 280 bales ng used clothing.

“The subject shipment was declared as personal effects and household goods,” sinabi ng commissioner sa mga mamamahayag.

Madalas na minamali ang deklarasyon ng ukay-ukay imports at ipinapalabas na general merchandise at iba pang items dahil sa pagbabawal sa importasyon ng used clothing sa ilalim ng Republic Act No. 4653.

Ang RA No. 4653 ay tumutukoy sa “Act to Safeguard the Health of the People and Maintain the Dignity of the Nation by Declaring it a National Policy to Prohibit Commercial Importation of Textile Articles commonly known as Used Clothing and Rags.”

Sinabi ni Lapeña na makikipagtulungan ang BoC sa Fair Trade Enforcement Bureau ng Department of Trade and Industry, na nag-a-accredit ng seafreight forwarders at consolidators ng balikbayan boxes.

“This is obviously a modus operandi of smugglers,” aniya.

Tinukoy ng BoC chief ang consignee ng ukay-ukay shipment na Proline Logistics Philippines Inc., may opisina sa 302 & 302A The Centennial Escolta St., Binondo, Manila.

Sinabi ni Lapeña na kakasuhan nila ang consignee ng paglabag sa Section 1400 o Misdeclaration, Misclassification, at Undervaluation in Goods Declaration of the Customs Modernization and Tariff Act bukod sa RA 4653.