Ni Liezle Basa Iñigo

CAMP MARCELO A. ADDURU, TUGUEGARAO CITY - Lalo pang pinaigting ng pulisya sa Cagayan Valley region ang kanilang kampanya laban sa kriminalidad nang madakip ang 26 na wanted sa rehiyon.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 2 director, Chief Supt. Jose Mario Espino, nakakulong na ang mga ito dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang kasong kriminal.

Aniya, dinakip ang mga ito upang hindi malagay sa panganib ang buhay ng publiko at hindi na rin makagawa ng krimen.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

“I urge the public to continuously support our police in their effort to hunt these criminal elements to prevent them from committing their illegal activities,” sabi pa ni Espino.