DUBAI (AFP) – Binabalak ng Saudi Arabia na humukay ng canal na kasinghaba ng hangganan nito sa karibal sa Qatar, upang gawing isla ang peninsula at lalo itong maihiwalay, iniulat ng Saudi media.

‘’The project is to be funded entirely by Saudi and Emirati private sector investment -- under full Saudi authority,’’ iniulat ng Sabq Online Newspaper nitong Lunes.

Ang pinaplanong ‘’Salwa Canal’’ ay huhukayin ng Egyptian companies, na makikinabang sa ‘’Egyptian experience’’ sa pagpapalawak ng Suez Canal, ayon dito.

Wala pang reaksiyon ang Riyadh sa pag-leak ng blueprint ng plano sa Saudi press.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ito ang huling twist sa 10- buwan nang krisis sa Gulf, kung saan magkakampi ang Saudi Arabia, UAE, Egypt at Bahrain laban sa Qatar