Ni JIMI ESCALA

NAKAUSAP namin ang aming kaibigan at kababayan na malapit kay Ellen Adarna na diretsahang ibinunyag sa amin na babae ang magiging anak ng aktres at ni John Lloyd Cruz.

ELLEN AT JOHN LLOYD LANG_please crop out the baby copy

Aniya, anyday now ay manganganak na si Ellen at laging nasa tabi nito ang ama ng magiging anak na si John Lloyd.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Wala pa ring direktang pag-amin mula kina Lloydie at Ellen tungkol dito, pero hindi na raw lihim iyon sa mga kaibigan ng dalawa na madalas makasama ng mga ito. Pati naman ang followers ng dalawa sa social media ay updated sa balita tungkol kina John Lloyd at Ellen.

Hindi man sila ang nagpo-post ay updated ang lahat dahil ang mga kaibigan ni Ellen ang masipag mag-post ng anumang latest tungkol kay John Lloyd na ayon pa sa source ay walang kinakausap ngayong taga-showbiz. Kahit tawag o text message ay super dedma ang aktor.

Pero ayon sa kausap namin, baka raw balikan ni John Lloyd Cruz ang showbiz career kapag nakapanganak na si Ellen.

Pero posibilidad pa rin naman daw na tuluyan nang iwan ni Lloydie ang pag-aartista at manatili na lang bilang ordinaryong mamamayan.

Pinabulaanan naman ng source ang isyu na posibleng may kaharaping kaso si John Lloyd na maaaring isampa ng ABS-CBN.

Hindi raw mangyayari ‘yun dahil buung-buong isinauli ng aktor ang mga paunang naibayad sa kanya ng network