Ni Mary Ann Santiago

Dinakip ng awtoridad ang isang miyembro ng Batang City Jail (BCJ) dahil sa pagbibitbit ng sumpak sa Tondo, Maynila, nitong Linggo ng gabi.

Nasa kustodiya ngayon ng Manila Police District (MPD)- Station 1 si Roel Buni, 19, basurero, ng Building 3, Temporary Housing, Helping Compound sa Tondo.

Sa ulat na ipinarating ni MPD-Station 1 commander Supt. Jay Dimaandal, naaresto ang suspek sa harapan ng Building 6, Temporary Housing ng compound, dakong 10:30 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagpapatrulya ang mga pulis sa Radial 10 nang lapitan sila ng isang residente at isinumbong ang isang lalaking armado ng sumpak at paggala-gala sa lugar.

Hindi na nagawang pumalag ng suspek nang posasan siya ng mga pulis matapos mahulihan ng isang sumpak na may isang bala.

Mahaharap sa kasong illegal possession of firearms ang suspek.