Nina Light Nolasco at Leandro Alborote

Dalawa ang naiulat ng pulisya na nagbigti sa Nueva Ecija at Tarlac nitong weekend.

Unang natuklasan ang bangkay ng 56-anyos na si Jaime Tagudin, magsasaka, ng Barangay Casongsong, Guimba.

Dakong 5:15 ng hapon nang iwan muna si Tagudin ng kanyang misis at pagbalik ay nadiskubre na ang pagbibigti nito.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa Bgy. Linao sa Pura, Tarlac, nagbigti rin ang isang 31-anyos na lalaki na pinaniniwalaan ng pulisya na nakaranas ng matinding problema, nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ni PO2 Milan Ponce ang nasawi na si Joseph Sapad, may asawa, ng nasabing barangay.