Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Pasig City Sports Center)

2:00 n.h. -- Gamboa vs Grill-SSC

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

4:00 n.h. -- Zark’s Burger -Lyceum vs. CEU

MAGAMIT ang taglay na twice-to-beat incentives ang sasandigan ng Centro Escolar University at Chelu Bar and Grill-San Sebastian College sa dalawang magkahiwalay na laro ngayong hapon sa pagsisimula ng quarterfinal round ng 2018 PBA D League Aspirants Cup sa Pasig City Sports Center.

Kapwa nagtamo ng insentibo sa nakaraang eliminations makaraang tumapos na pangatlo at pang-apat, isang panalo lamang ang kailangan ng Scorpions at ng Revelers upang makausad sa semifinals kasama ng nauna ng semifinalists Akari-Adamson at Marinerong Pilipino.

Haharapin ng Scorpions sa huling laro ang 6th seed Zark’s Burger-Lyceum of the Philippines ganap na 4:00 ng hapon pagkatapos ng unang bakbakan sa pagitan ng Chelu Bar and Grill at Gamboa Coffee Mix-St. Clare ganap na 2:00 ng hapon.

Magtatangka kapwa ang dalawang higher seed teams na maulit ang naging panalo kontra sa kani-kanilang katunggali noong nakaraang eliminations, ang CEU kontra Zark’s Burger noong Pebrero 20 sa iskor na 91-85 at ang Chelu Bar and Grill kontra Gamboa noong Marso 6 sa iskor na 79-75.

Bagama’t natalo sa kanilang huling dalawang laro sa eliminations, naniniwala si Jawbreakers coach Topex Robinson na nanatiling mabigat na kalaban ang Scorpions na inaasahang muling pamumunuan ng kanilang Congolese center na si Rod Ebondo na ipinahinga lamang nila kontra Gamboa at Batangas-EAC para madaling maka recover sa natamong back injury.

Sa unang laro, gagamitin namang buwelo ng Gamboa ang naitalang huling dalawang panalo kontra CEU at AMA Online Education para mabigyan ng magandang laban ang Chelu.