Ni Roy C. Mabasa

Pinayuhan ng gobyerno ng Pilipinas ang mga Pilipino sa Germany na maging mapagmatyag kasunod ng insidente roon nitong Sabado kung saan tatlong katao ang nasawi at 20 pa ang nasugatan nang araruhin ng van ang isang restaurant sa hilaga ng bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Foreign Affairs na inaalam na ng Philippine Embassy sa Berlin kung may Pinoy na kabilang sa mga namatay o nasugatan sa insidenteng naganap sa lungsod ng Munster sa estado ng North Rhine-Westphalia, may 475 kilometro ang layo mula sa Berlin.

Ayon kay Philippine Embassy Chargè d’Affaires Lilibeth Pono, tinatayang 4,100 sa 22,500 Pinoy sa Germany ang nakatira sa North Rhine-Westphalia area.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3