Ni Leandro Alborote

LA PAZ, Tarlac - Isang 22-anyos na babae ang nakakulong ngayon sa himpilan ng La Paz Police makaraang magpanggap umanong empleyado ng National Police Commission (Napolcom) at magpakilalang anak ng isang heneral ng pulisya.

Si Georgina Garcia Lee, ng Amaia Subdivision, Barangay Sindalan, San Fernando, Pampanga ay naaresto ng mga pulis-La Paz matapos magpakilalang anak ni Napolcom-Region 3 Director Rodolfo Santos, Jr.

Tuwiran niya umanong ginamit ang pangalan ni Santos upang mapasunod sa personal niyang interes sina Chief Insp. Rocky De Guzman, hepe ng La Paz Police.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Bago maaresto, tumawag si Lee sa cell phone ni Chief Insp. De Guzman at inalerto niya ito na magsasagawa ng inspeksiyon si Santos sa himpilan nito.

Nakadetine na si Lee at kakasuhan ng usurpation of authority.