Ni Nitz Miralles

PINAGDEDEBATEHAN ang ipinost ni John Lloyd Cruz sa Instagram kung playpen o baby crib.

jlc

Dahil kalahati lang ang ipinakita, kanya-kanyang interpretasyon tuloy ang mga nakakita sa picture.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Ang caption lang sa photo ay “Guada.” Nag-isip agad ang fans nila ni Ellen Adarna na pangalan ‘yun ng magiging baby nila, short for Guadalupe na lugar sa Cebu ni Ellen.

Paano raw kung baby boy ang isisilang ni Ellen? Tanong pa ng netizens, baka hindi para sa magiging baby nila ni Ellen ang ipinost ni John Lloyd, kaya mas mabuting maghintay na lang sa mga darating na buwan.