Ni Nitz Miralles

PATI kami nakibasa sa ipinost ni Gerald Anderson sa Instagram (IG) na palitan nila ng text ng mom niya.

gerald

Sa nabasa namin, nanghingi kay Gerald ng pera ang mom niya, magpadala raw siya through bank. Nangako naman si Gerald na magpapadala ng pera.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Ang nakakaaliw ay ang text ng mom ni Gerald na, “Hoy Burn, your MOVIE making money na...” na sinagot ni Gerald ng tawa.

Ang hashtag ni Gerald sa convo nila ng mom niya ay, “ always give what your mama needs #mothercare #family.”

Updated ang mommy ni Gerald, ha! Making money nga ang My Perfect You nina Gerald at Pia Wurtzbach under Star Cinema sa direction ni Cathy Garcia-Molina.

Ang last box-office gross na in-announce ng ad-prom people ng Star Cinema ay P136M at dahil showing pa, patuloy pang nadadagdagan pa ang kita ng movie.

Samantala, inamin ni Gerald sa interview ng ABS-CBN News na nagkaroon sila ng “simple misunderstanding” ni Bea Alonzo. Ito iyong napabalita na in-unfollow siya ni Bea sa IG at dinelete ng aktres ang poster ng My Perfect You.

“It was a simple misunderstanding. Naayos po namin personally and ‘yun po ‘yung importante, to move on from this.

It was a misunderstanding, ‘Yun na ‘yun. Ang importante, everything is good. Everything is good,” pahayag ni Gerald sa interview.