Ni Mike U. Crismundo

BUTUAN CITY - Nakumpiska ng mga tauhan ng Butuan City Police Office (BCPO) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P354,000 na halaga ng ilegal na droga sa isang umano’y drug pusher sa Butuan City, nitong Huwebes ng hapon.

Nakapiit ngayon sa BCPO si Junel Casera, 31, ng Barangay Tinan, Ipil, Zamboanga Sibugay nang matiklo sa pagbebenta ng shabu sa pulis na poseur buyer sa Bgy. Holy Redeemer sa nasabing lungsod.

Nasamsam din kay Casera ang isang caliber .22 Magnum revolver at P7,000 marked money.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.