Ni Fer Taboy
Sugatan ang siyam na preso sa jailbreak sa loob ng Metro Manila District Jail (MMDJ) sa Taguig City, nitong Huwebes ng gabi.
Ayon sa Bureau of J a i l Management and Penology (BJMP), unang nagsagawa ng noise barrage ang mga bilanggo bilang reklamo sa paglilipat sa ilang preso sa ibang selda.
Napilitan ang mga jail guard na magpaputok ng warning shot at pinasok ang selda ng mga nag-iingay na preso, at nauwi sa sagupaan na ikinasugat ng siyam na preso na hindi pinangalanan at ngayo’y nilalapatan ng lunas sa Rizal Medical Center.
Sa imbestigasyon ng BJMP, naganap ang jail break sa loob ng MMDJ sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, dakong 9:00 ng gabi.
Ayon kay Jail Senior Insp. Xavier Awican Solda, tagapagsalita ng BJMP, nagpakawala ng tear gas ang awtoridad para matigil ang pagwawala ng mga preso.
Sinasabing sinira ng mga preso ang kani-kanilang higaan upang makapag-ingay.