Ni Franco G. Regala

CAMP OLIVAS, Pampanga- Napatay ng pulisya ang dalawa sa apat na miyembro ng “Akyat-Bahay” robbery gang nang makasagupa ng mga ito ang nagpapatrulyang mga pulis sa Angeles City nitong Biyernes ng umaga.

Sa panayam, ipinaliwanag ni Chief Supt. Amador Corpus, Central Luzon police director, natiyempuhan ng mga pulis ang apat na suspek na responsable sa panloloob sa isang hotel sa Clarkview, Barangay Malabanias, Angeles City nitong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Corpus, namataan ng mga nagpapatrulyang pulis ang apat na suspek na sa Jose Laurel Ave., Barangay Anonas, Angeles City kung saan nagkaroon ng sagupaan ang dalawang panig na ikinasawi ng dalawang pulis at dalawang suspek.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?